Zacarias 8

Maraming taong mula sa makapangyarihang mga bansa ang pupunta sa Jerusalem upang dumulog at manalangin sa Panginoon ng mga Hukbo.”

Zechariah 8:22 (UKJV) Yea, many people and strong nations shall come to seek the LORD of hosts in Jerusalem, and to pray before the LORD.

20Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “Maraming tao ang darating sa Jerusalem mula sa ibaʼt ibang lungsod.

21Ang mga mamamayan ng isang lungsod ay pupunta sa isang lungsod at sasabihin nila, ‘Pupunta kami para dumulog at manalangin sa Panginoon ng mga Hukbo. Halikayo, sumáma kayo sa amin.’

22Maraming taong mula sa makapangyarihang mga bansa ang pupunta sa Jerusalem upang dumulog at manalangin sa Panginoon ng mga Hukbo.”

23Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo: “At sa araw na iyon, sampung dayuhan na galing sa ibang mga bansa na may ibaʼt ibang wika ang lalapit sa isang Hudyo at sasabihin, ‘Gusto naming sumama sa inyo, dahil narinig namin na ang Diyos ay kasama ninyo.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.