6Kaya ang inyong mga lupain sa tabing-dagat ay magiging pastulan at kulungan ng mga tupa.
7Sasakupin iyon ng natitirang mga taga-Juda. Doon sila magpapastol ng kanilang mga hayop at pagsapit ng gabi ay matutulog sila sa mga bahay sa Ashkelon. Kahahabagan sila ng Panginoon na kanilang Diyos at pauunlarin silang muli.
8Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, ang Diyos ng Israel, “Narinig ko ang pang-iinsulto at panunuya ng mga taga-Moab at Amonita sa aking mga mamamayan. Ipinagyayabang nilang kaya nilang sakupin ang lupain ng aking mga mamamayan.
9Kaya isinusumpa ko,” wika ng Makapangyarihang Panginoon, ang Diyos ng Israel, “na wawasakin ko ang Moab at Amon katulad ng Sodoma at Gomora. At ang lupain ng Israel ay hindi na mapapakinabangan habang panahon. Tutubuan ito ng mga matitinik na damo, at mapupuno ng mga hukay na gawaan ng asin. Lulusubin ito ng natitira kong mga mamamayan at sasamsamin nila ang mga ari-arian nito.”
10Sinabi ni Zefanias: Iyan ang ganti sa pagyayabang ng mga taga-Moab at Amonita. Sapagkat ipinapahiya nila at nilalait ang mga mamamayan ng Panginoon ng mga Hukbo.