7Dahil sa mga ginawa kong ito akala koʼy igagalang na ako ng aking mga mamamayan at tatanggapin na nila ang aking pagsaway sa kanila, para hindi na magiba ang kanilang lungsod ayon sa itinakda ko sa kanila. Ngunit lalo pa silang nagpakasama.
8Kaya hintayin ninyo ako,” sabi ng Panginoon. “Darating ang araw na akoʼy tatayo at aking uusigin ang mga bansa. Sapagkat napagpasyahan kong tipunin ang mga bansa at mga kaharian para ibuhos sa kanila ang matindi kong poot. Ang nagliliyab kong galit ang tutupok sa buong mundo.
9Pagkatapos, ang mga labi nilaʼy lilinisin ko upang silang lahat ay tatawag sa pangalan ng Panginoon at sama-samang maglilingkod sa kanya.
10Ang mga nananalangin kong mamamayan na nakakalat sa kabilang ibayo ng mga ilog ng Etiopia ay magdadala ng mga handog sa akin.
11Sa araw na iyon, kayong mga taga-Jerusalem ay hindi na mapapahiya sa lahat ng mga kasalanang ginawa ninyo sa akin, dahil aalisin ko sa inyo ang mga mapagmataas at mayayabang. Kaya wala nang magyayabang doon sa aking banal na bundok.