1 Mga Cronica 11

Isang araw, pumunta kay David ang tatlo sa tatlumpung pinuno ng kanyang mga mandirigma doon sa kuweba ng Adulam. Nagkakampo noon ang mga Filisteo sa Lambak ng Refaim,

1 Chronicles 11:15 (UKJV) Now three of the thirty captains went down to the rock to David, into the cave of Adullam; and the host of the Philistines encamped in the valley of Rephaim.

13Isa siya sa mga sumáma kay David nang nakipaglaban sila sa mga Filisteo sa Pas-damim. Doon sila napalaban sa taniman ng sebada at tumakas ang ibang mga Israelita.

14Ngunit sina Eleazar at David ay nanatili sa gitna ng taniman. Ipinagtanggol nila ito at pinatay ang mga Filisteo. Pinagtagumpay sila ng Panginoon.

15Isang araw, pumunta kay David ang tatlo sa tatlumpung pinuno ng kanyang mga mandirigma doon sa kuweba ng Adulam. Nagkakampo noon ang mga Filisteo sa Lambak ng Refaim,

16at naagaw nila ang Bethlehem. Habang naroon si David sa isang matatag na kublihan,

17nauhaw siya. Sinabi niya, “Mabuti sana kung may kukuha ng tubig na maiinom para sa akin mula sa balon malapit sa pintuang-bayan ng Bethlehem.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.