1 Mga Cronica 11

nauhaw siya. Sinabi niya, “Mabuti sana kung may kukuha ng tubig na maiinom para sa akin mula sa balon malapit sa pintuang-bayan ng Bethlehem.”

1 Chronicles 11:17 (UKJV) And David longed, and said, Oh that one would give me drink of the water of the well of Bethlehem, that is at the gate!

15Isang araw, pumunta kay David ang tatlo sa tatlumpung pinuno ng kanyang mga mandirigma doon sa kuweba ng Adulam. Nagkakampo noon ang mga Filisteo sa Lambak ng Refaim,

16at naagaw nila ang Bethlehem. Habang naroon si David sa isang matatag na kublihan,

17nauhaw siya. Sinabi niya, “Mabuti sana kung may kukuha ng tubig na maiinom para sa akin mula sa balon malapit sa pintuang-bayan ng Bethlehem.”

18Kaya palihim na pumasok ang tatlong magigiting na kawal sa kampo ng mga Filisteo, malapit sa pintuang-bayan ng Bethlehem. Kumuha sila ng tubig sa balon at dinala ito kay David. Ngunit hindi ito ininom ni David, sa halip ay ibinuhos niya ito bilang handog sa Panginoon.

19Sinabi niya, “O Diyos ko, hindi ko po ito maiinom dahil kasinghalaga ito ng dugo ng mga taong nagtaya ng kanilang buhay sa pagkuha nito.” Kaya hindi ito ininom ni David. Iyon nga ang mga ginawa ng tatlong magigiting na kawal ni David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.