1 Mga Cronica 11

Isa siya sa mga sumáma kay David nang nakipaglaban sila sa mga Filisteo sa Pas-damim. Doon sila napalaban sa taniman ng sebada at tumakas ang ibang mga Israelita.

1 Chronicles 11:13 (UKJV) He was with David at Pasdammim, and there the Philistines were gathered together to battle, where was a parcel of ground full of barley; and the people fled from before the Philistines.

11Ito ang listahan ng mga matatapang na tauhan ni David: Si Jasobeam na Hacmonito, ang nangunguna sa tatlo na matatapang na tauhan ni David. Sa isang labanan lang, nakapatay siya ng tatlong daang tao sa pamamagitan ng sibat niya.

12Ang sumunod sa kanya ay si Eleazar na anak ni Dodo na mula sa angkan ni Aho. Isa rin siya sa tatlong matatapang na lalaki.

13Isa siya sa mga sumáma kay David nang nakipaglaban sila sa mga Filisteo sa Pas-damim. Doon sila napalaban sa taniman ng sebada at tumakas ang ibang mga Israelita.

14Ngunit sina Eleazar at David ay nanatili sa gitna ng taniman. Ipinagtanggol nila ito at pinatay ang mga Filisteo. Pinagtagumpay sila ng Panginoon.

15Isang araw, pumunta kay David ang tatlo sa tatlumpung pinuno ng kanyang mga mandirigma doon sa kuweba ng Adulam. Nagkakampo noon ang mga Filisteo sa Lambak ng Refaim,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.