3Pinamumunuan sila nina Ahiezer at Joas na mga anak ni Semaa na taga-Gibea. Ito ang mga iba pang mga tauhan: sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet, sina Beraca at Jehu na mga taga-Anatot,
4si Ismaias na taga-Gibeon na isa sa mga tanyag na sundalo at isa rin sa matatapang na pinuno ng Tatlumpu, sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad na taga-Gedera,
5sina Eluzai, Jerimot, Bealias, Semarias at Sefatias na taga-Haruf,
6sina Elcana, Isaias, Azarel, Joezer at Jasobeam na mga angkan ni Kora,
7sina Joela at Zebadias na mga anak ni Jeroham na taga-Gedor.