1 Mga Cronica 12

Pinamumunuan sila nina Ahiezer at Joas na mga anak ni Semaa na taga-Gibea. Ito ang mga iba pang mga tauhan: sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet, sina Beraca at Jehu na mga taga-Anatot,

1 Chronicles 12:3 (UKJV) The chief was Ahiezer, then Joash, the sons of Shemaah the Gibeathite; and Jeziel, and Pelet, the sons of Azmaveth; and Berachah, and Jehu the Antothite.

1Ito ang mga tao na pumunta kay David doon sa Ziklag nang siyaʼy nagtatago kay Saul na anak ni Kish. Kasama sila sa mga tumulong kay David sa labanan.

2Armado sila ng mga pana at mahuhusay silang pumana at manirador, kanan o kaliwang kamay man. Mga kamag-anak sila ni Saul mula sa lahi ni Benjamin.

3Pinamumunuan sila nina Ahiezer at Joas na mga anak ni Semaa na taga-Gibea. Ito ang mga iba pang mga tauhan: sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet, sina Beraca at Jehu na mga taga-Anatot,

4si Ismaias na taga-Gibeon na isa sa mga tanyag na sundalo at isa rin sa matatapang na pinuno ng Tatlumpu, sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad na taga-Gedera,

5sina Eluzai, Jerimot, Bealias, Semarias at Sefatias na taga-Haruf,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.