1 Mga Cronica 12

Armado sila ng mga pana at mahuhusay silang pumana at manirador, kanan o kaliwang kamay man. Mga kamag-anak sila ni Saul mula sa lahi ni Benjamin.

1 Chronicles 12:2 (UKJV) They were armed with bows, and could use both the right hand and the left in hurling stones and shooting arrows out of a bow, even of Saul's brethren of Benjamin.

1Ito ang mga tao na pumunta kay David doon sa Ziklag nang siyaʼy nagtatago kay Saul na anak ni Kish. Kasama sila sa mga tumulong kay David sa labanan.

2Armado sila ng mga pana at mahuhusay silang pumana at manirador, kanan o kaliwang kamay man. Mga kamag-anak sila ni Saul mula sa lahi ni Benjamin.

3Pinamumunuan sila nina Ahiezer at Joas na mga anak ni Semaa na taga-Gibea. Ito ang mga iba pang mga tauhan: sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet, sina Beraca at Jehu na mga taga-Anatot,

4si Ismaias na taga-Gibeon na isa sa mga tanyag na sundalo at isa rin sa matatapang na pinuno ng Tatlumpu, sina Jeremias, Jahaziel, Johanan, at Jozabad na taga-Gedera,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.