1Ito ang mga tao na pumunta kay David doon sa Ziklag nang siyaʼy nagtatago kay Saul na anak ni Kish. Kasama sila sa mga tumulong kay David sa labanan.
2Armado sila ng mga pana at mahuhusay silang pumana at manirador, kanan o kaliwang kamay man. Mga kamag-anak sila ni Saul mula sa lahi ni Benjamin.
3Pinamumunuan sila nina Ahiezer at Joas na mga anak ni Semaa na taga-Gibea. Ito ang mga iba pang mga tauhan: sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Azmavet, sina Beraca at Jehu na mga taga-Anatot,