1Nakipag-usap si David sa kanyang mga opisyal at sa mga kumander ng libu-libo at daan-daang sundalo.
2Pagkatapos, sinabi niya sa lahat ng Israelitang naroon, “Kung gusto ninyo at kung kalooban ng Panginoon na ating Diyos, magpapadala tayo ng mensahe sa lahat ng kababayan natin sa buong Israel, pati na sa mga pari at mga Levita na kasama nila sa mga bayan at pastulan. Papuntahin natin sila rito upang makiisa sa atin.
3Ito na ang panahon upang kunin natin ang Kahon ng ating Diyos, dahil hindi natin ito pinahalagahan nang si Saul pa ang hari.”