1 Mga Cronica 13

Ito na ang panahon upang kunin natin ang Kahon ng ating Diyos, dahil hindi natin ito pinahalagahan nang si Saul pa ang hari.”

1 Chronicles 13:3 (UKJV) And let us bring again the ark of our God to us: for we enquired not at it in the days of Saul.

1Nakipag-usap si David sa kanyang mga opisyal at sa mga kumander ng libu-libo at daan-daang sundalo.

2Pagkatapos, sinabi niya sa lahat ng Israelitang naroon, “Kung gusto ninyo at kung kalooban ng Panginoon na ating Diyos, magpapadala tayo ng mensahe sa lahat ng kababayan natin sa buong Israel, pati na sa mga pari at mga Levita na kasama nila sa mga bayan at pastulan. Papuntahin natin sila rito upang makiisa sa atin.

3Ito na ang panahon upang kunin natin ang Kahon ng ating Diyos, dahil hindi natin ito pinahalagahan nang si Saul pa ang hari.”

4Pumayag ang buong kapulungan dahil nakita nilang iyon ang tamang gawin.

5Kaya tinipon ni David ang lahat ng mga Israelita, mula sa Ilog Shihor sa Ehipto hanggang sa Lebo-hamat, upang kunin ang Kahon ng Diyos sa Kiriat-jearim.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.