2Pagkatapos, sinabi niya sa lahat ng Israelitang naroon, “Kung gusto ninyo at kung kalooban ng Panginoon na ating Diyos, magpapadala tayo ng mensahe sa lahat ng kababayan natin sa buong Israel, pati na sa mga pari at mga Levita na kasama nila sa mga bayan at pastulan. Papuntahin natin sila rito upang makiisa sa atin.
3Ito na ang panahon upang kunin natin ang Kahon ng ating Diyos, dahil hindi natin ito pinahalagahan nang si Saul pa ang hari.”
4Pumayag ang buong kapulungan dahil nakita nilang iyon ang tamang gawin.
5Kaya tinipon ni David ang lahat ng mga Israelita, mula sa Ilog Shihor sa Ehipto hanggang sa Lebo-hamat, upang kunin ang Kahon ng Diyos sa Kiriat-jearim.
6Pumunta si David at lahat ng kasama niyang mga Israelita sa Baala (o Kiriat-jearim) na sakop ng Juda para kunin doon ang Kahon ng Diyos na Panginoon, na tinatawag sa pangalan ng Panginoon na nakaluklok sa gitna ng mga kerubin.