1 Mga Cronica 13

Kaya tinipon ni David ang lahat ng mga Israelita, mula sa Ilog Shihor sa Ehipto hanggang sa Lebo-hamat, upang kunin ang Kahon ng Diyos sa Kiriat-jearim.

1 Chronicles 13:5 (UKJV) So David gathered all Israel together, from Shihor of Egypt even unto the entering of Hemath, to bring the ark of God from Kirjathjearim.

3Ito na ang panahon upang kunin natin ang Kahon ng ating Diyos, dahil hindi natin ito pinahalagahan nang si Saul pa ang hari.”

4Pumayag ang buong kapulungan dahil nakita nilang iyon ang tamang gawin.

5Kaya tinipon ni David ang lahat ng mga Israelita, mula sa Ilog Shihor sa Ehipto hanggang sa Lebo-hamat, upang kunin ang Kahon ng Diyos sa Kiriat-jearim.

6Pumunta si David at lahat ng kasama niyang mga Israelita sa Baala (o Kiriat-jearim) na sakop ng Juda para kunin doon ang Kahon ng Diyos na Panginoon, na tinatawag sa pangalan ng Panginoon na nakaluklok sa gitna ng mga kerubin.

7Kinuha nila ang Kahon ng Diyos sa bahay ni Abinadab at ikinarga sa bagong kariton. Sina Uza at Ahio ang umaalalay sa kariton.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.