1 Mga Cronica 13

Kinuha nila ang Kahon ng Diyos sa bahay ni Abinadab at ikinarga sa bagong kariton. Sina Uza at Ahio ang umaalalay sa kariton.

1 Chronicles 13:7 (UKJV) And they carried the ark of God in a new cart out of the house of Abinadab: and Uzza and Ahio drove the cart.

5Kaya tinipon ni David ang lahat ng mga Israelita, mula sa Ilog Shihor sa Ehipto hanggang sa Lebo-hamat, upang kunin ang Kahon ng Diyos sa Kiriat-jearim.

6Pumunta si David at lahat ng kasama niyang mga Israelita sa Baala (o Kiriat-jearim) na sakop ng Juda para kunin doon ang Kahon ng Diyos na Panginoon, na tinatawag sa pangalan ng Panginoon na nakaluklok sa gitna ng mga kerubin.

7Kinuha nila ang Kahon ng Diyos sa bahay ni Abinadab at ikinarga sa bagong kariton. Sina Uza at Ahio ang umaalalay sa kariton.

8Buong lakas na nagdiwang si David at lahat ng mga Israelita sa presensya ng Diyos. Umawit sila at tumugtog ng mga alpa, lira, tamburin, pompyang at trumpeta.

9Nang dumating sila sa giikan ni Quidon, hinawakan ni Uza ang Kahon, dahil nadulas ang mga baka.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.