6Pumunta si David at lahat ng kasama niyang mga Israelita sa Baala (o Kiriat-jearim) na sakop ng Juda para kunin doon ang Kahon ng Diyos na Panginoon, na tinatawag sa pangalan ng Panginoon na nakaluklok sa gitna ng mga kerubin.
7Kinuha nila ang Kahon ng Diyos sa bahay ni Abinadab at ikinarga sa bagong kariton. Sina Uza at Ahio ang umaalalay sa kariton.
8Buong lakas na nagdiwang si David at lahat ng mga Israelita sa presensya ng Diyos. Umawit sila at tumugtog ng mga alpa, lira, tamburin, pompyang at trumpeta.
9Nang dumating sila sa giikan ni Quidon, hinawakan ni Uza ang Kahon, dahil nadulas ang mga baka.
10Nagalit nang matindi ang Panginoon kay Uza dahil hinawakan niya ang Kahon. Kaya namatay siya roon sa presensya ng Diyos.