1 Mga Cronica 13

Nagalit nang matindi ang Panginoon kay Uza dahil hinawakan niya ang Kahon. Kaya namatay siya roon sa presensya ng Diyos.

1 Chronicles 13:10 (UKJV) And the anger of the LORD was kindled against Uzza, and he stroke him, because he put his hand to the ark: and there he died before God.

8Buong lakas na nagdiwang si David at lahat ng mga Israelita sa presensya ng Diyos. Umawit sila at tumugtog ng mga alpa, lira, tamburin, pompyang at trumpeta.

9Nang dumating sila sa giikan ni Quidon, hinawakan ni Uza ang Kahon, dahil nadulas ang mga baka.

10Nagalit nang matindi ang Panginoon kay Uza dahil hinawakan niya ang Kahon. Kaya namatay siya roon sa presensya ng Diyos.

11Nagalit si David dahil biglang pinarusahan ng Panginoon si Uza. Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon ang lugar na iyon ay tinatawag na Perez-uza.

12Nang araw na iyon, natakot si David sa Diyos at sinabi niya, “Paano madadala sa lungsod ko ang Kahon ng Diyos?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.