9Nang dumating sila sa giikan ni Quidon, hinawakan ni Uza ang Kahon, dahil nadulas ang mga baka.
10Nagalit nang matindi ang Panginoon kay Uza dahil hinawakan niya ang Kahon. Kaya namatay siya roon sa presensya ng Diyos.
11Nagalit si David dahil biglang pinarusahan ng Panginoon si Uza. Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon ang lugar na iyon ay tinatawag na Perez-uza.
12Nang araw na iyon, natakot si David sa Diyos at sinabi niya, “Paano madadala sa lungsod ko ang Kahon ng Diyos?”
13Kaya nagpasya siyang huwag na lang dalhin sa kanyang lungsod ang Kahon ng Diyos. Sa halip, iniwan niya ito sa bahay ni Obed-edom na taga-Gat.