1 Mga Cronica 13

Nang araw na iyon, natakot si David sa Diyos at sinabi niya, “Paano madadala sa lungsod ko ang Kahon ng Diyos?”

1 Chronicles 13:12 (UKJV) And David was afraid of God that day, saying, How shall I bring the ark of God home to me?

10Nagalit nang matindi ang Panginoon kay Uza dahil hinawakan niya ang Kahon. Kaya namatay siya roon sa presensya ng Diyos.

11Nagalit si David dahil biglang pinarusahan ng Panginoon si Uza. Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon ang lugar na iyon ay tinatawag na Perez-uza.

12Nang araw na iyon, natakot si David sa Diyos at sinabi niya, “Paano madadala sa lungsod ko ang Kahon ng Diyos?”

13Kaya nagpasya siyang huwag na lang dalhin sa kanyang lungsod ang Kahon ng Diyos. Sa halip, iniwan niya ito sa bahay ni Obed-edom na taga-Gat.

14Nanatili ito sa bahay ni Obed-edom sa loob ng tatlong buwan, at pinagpala ng Panginoon ang pamilya ni Obed-edom at ang lahat ng ari-arian niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.