1 Mga Cronica 15

Nagpatayo si David ng mga gusali sa kanyang lungsod para sa sarili niya. Nagpagawa rin siya ng tolda para sa Kahon ng Diyos, at inilagay niya ito nang maayos sa lugar na kanyang inihanda para rito.

1 Chronicles 15:1 (UKJV) And David made him houses in the city of David, and prepared a place for the ark of God, and pitched for it a tent.

1Nagpatayo si David ng mga gusali sa kanyang lungsod para sa sarili niya. Nagpagawa rin siya ng tolda para sa Kahon ng Diyos, at inilagay niya ito nang maayos sa lugar na kanyang inihanda para rito.

2Pagkatapos, sinabi ni David, “Walang ibang maaaring magbuhat ng Kahon ng Diyos maliban sa mga Levita, dahil sila ang pinili ng Panginoon na magbuhat ng Kahon ng Panginoon at maglingkod sa presensya niya magpakailanman.”

3Tinipon ni David ang lahat ng mga Israelita sa Jerusalem na magdadala ng Kahon ng Panginoon sa lugar na inihanda niya para rito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.