1Nagpatayo si David ng mga gusali sa kanyang lungsod para sa sarili niya. Nagpagawa rin siya ng tolda para sa Kahon ng Diyos, at inilagay niya ito nang maayos sa lugar na kanyang inihanda para rito.
2Pagkatapos, sinabi ni David, “Walang ibang maaaring magbuhat ng Kahon ng Diyos maliban sa mga Levita, dahil sila ang pinili ng Panginoon na magbuhat ng Kahon ng Panginoon at maglingkod sa presensya niya magpakailanman.”
3Tinipon ni David ang lahat ng mga Israelita sa Jerusalem na magdadala ng Kahon ng Panginoon sa lugar na inihanda niya para rito.
4Ipinatawag din niya ang mga pari at mga Levita, na ang mga bilang ay ito:
5Mula sa mga angkan ni Kohat, isang daan at dalawampu, at pinamumunuan sila ni Uriel.