1 Mga Cronica 15

Kaya masayang pumunta si David, ang mga pinuno ng Israel, at ang mga pinuno ng libu-libong sundalo sa bahay ni Obed-edom upang kunin ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.

1 Chronicles 15:25 (UKJV) So David, and the elders of Israel, and the captains over thousands, went to bring up the ark of the covenant of the LORD out of the house of Obededom with joy.

23Ang pinagkatiwalaang magbantay ng Kahon ay sina Berequias at Elcana.

24Ang pinagkatiwalaang magpatunog ng trumpeta sa harapan ng Kahon ng Diyos ay ang mga pari na sina Sebanias, Josafat, Netanel, Amazias, Zacarias, Benaias at Eliezer. Sina Obed-edom at Jehias ay mga tagapagbantay din sa Kahon.

25Kaya masayang pumunta si David, ang mga pinuno ng Israel, at ang mga pinuno ng libu-libong sundalo sa bahay ni Obed-edom upang kunin ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.

26At dahil tinulungan ng Diyos ang mga Levita nang dalhin nila ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, naghandog sila ng pitong batang toro at pitong tupa.

27Nagsuot si David ng damit na pinong lino pati ang lahat ng Levitang bumubuhat ng Kahon, ang mga mang-aawit, at si Quenanias na siyang pinagkatiwalaang manguna sa pag-awit. Nagsuot din si David ng efod na gawa sa pinong lino.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.