1 Mga Cronica 15

Nagsuot si David ng damit na pinong lino pati ang lahat ng Levitang bumubuhat ng Kahon, ang mga mang-aawit, at si Quenanias na siyang pinagkatiwalaang manguna sa pag-awit. Nagsuot din si David ng efod na gawa sa pinong lino.

1 Chronicles 15:27 (UKJV) And David was clothed with a robe of fine linen, and all the Levites that bare the ark, and the singers, and Chenaniah the master of the song with the singers: David also had upon him an ephod of linen.

25Kaya masayang pumunta si David, ang mga pinuno ng Israel, at ang mga pinuno ng libu-libong sundalo sa bahay ni Obed-edom upang kunin ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.

26At dahil tinulungan ng Diyos ang mga Levita nang dalhin nila ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, naghandog sila ng pitong batang toro at pitong tupa.

27Nagsuot si David ng damit na pinong lino pati ang lahat ng Levitang bumubuhat ng Kahon, ang mga mang-aawit, at si Quenanias na siyang pinagkatiwalaang manguna sa pag-awit. Nagsuot din si David ng efod na gawa sa pinong lino.

28At dinala ng lahat ng mga Israelita ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon nang may kagalakan. Pinatunog nila ang mga tambuli, trumpeta at pompyang; at pinatugtog ang mga lira at mga alpa.

29Nang papasok na ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon sa lungsod ni David, dumungaw sa bintana si Mical na anak ni Saul. Nakita niya si Haring David na palukso-lukso at sumasayaw sa tuwa at nainis siya nang labis sa hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.