22Ang pinagkatiwalaang manguna sa pag-awit ay ang pinuno ng mga Levita na si Quenanias dahil mahusay siyang umawit.
23Ang pinagkatiwalaang magbantay ng Kahon ay sina Berequias at Elcana.
24Ang pinagkatiwalaang magpatunog ng trumpeta sa harapan ng Kahon ng Diyos ay ang mga pari na sina Sebanias, Josafat, Netanel, Amazias, Zacarias, Benaias at Eliezer. Sina Obed-edom at Jehias ay mga tagapagbantay din sa Kahon.
25Kaya masayang pumunta si David, ang mga pinuno ng Israel, at ang mga pinuno ng libu-libong sundalo sa bahay ni Obed-edom upang kunin ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon.
26At dahil tinulungan ng Diyos ang mga Levita nang dalhin nila ang Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, naghandog sila ng pitong batang toro at pitong tupa.