20Ang pinagkatiwalaang tumugtog ng mga lira sa mataas na tono ay sina Zacarias, Aziel, Semiramot, Jehiel, Uni, Eliab, Maasias at Benaias.
21Ang pinagkatiwalaang tumugtog ng mga alpa ay sina Matitias, Elifelehu, Micneias, Obed-edom, Jeiel at Azazias.
22Ang pinagkatiwalaang manguna sa pag-awit ay ang pinuno ng mga Levita na si Quenanias dahil mahusay siyang umawit.
23Ang pinagkatiwalaang magbantay ng Kahon ay sina Berequias at Elcana.
24Ang pinagkatiwalaang magpatunog ng trumpeta sa harapan ng Kahon ng Diyos ay ang mga pari na sina Sebanias, Josafat, Netanel, Amazias, Zacarias, Benaias at Eliezer. Sina Obed-edom at Jehias ay mga tagapagbantay din sa Kahon.