4Ipinatawag din niya ang mga pari at mga Levita, na ang mga bilang ay ito:
5Mula sa mga angkan ni Kohat, isang daan at dalawampu, at pinamumunuan sila ni Uriel.
6Mula sa mga angkan ni Merari, dalawandaan at dalawampu, at pinamumunuan sila ni Asaias.
7Mula sa mga angkan ni Gerson, isang daan at tatlumpu, at pinamumunuan sila ni Joel.
8Mula sa angkan ni Elizafan, dalawandaan, at pinamumunuan sila ni Semaias.