1 Mga Cronica 16

Magalak din ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila.

1 Chronicles 16:32 (UKJV) Let the sea roar, and the fullness thereof: let the fields rejoice, and all that is therein.

30Matakot kayo sa kanya, kayong lahat ng nasa sanlibutan. Matatag niyang itinayo ang mundo at hindi ito mauuga.

31Magalak ang langit, at magsaya ang lupa. Ipahayag nila sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon.”

32Magalak din ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila.

33At ang mga puno sa gubat ay aawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon. Dahil darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo.

34Magpasalamat kayo sa Panginoon dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.