32Magalak din ang mga karagatan, bukirin at ang lahat ng nasa kanila.
33At ang mga puno sa gubat ay aawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon. Dahil darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo.
34Magpasalamat kayo sa Panginoon dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.
35Manalangin kayo, “Iligtas nʼyo kami, O Diyos na aming Tagapagligtas; tipunin nʼyo po kami at palayain nʼyo po kami sa mga bansa, upang makapagpasalamat at makapagbigay kami ng papuri sa inyong kabanalan.”
36Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, magpakailanman. At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang Panginoon!