1 Mga Cronica 16

Manalangin kayo, “Iligtas nʼyo kami, O Diyos na aming Tagapagligtas; tipunin nʼyo po kami at palayain nʼyo po kami sa mga bansa, upang makapagpasalamat at makapagbigay kami ng papuri sa inyong kabanalan.”

1 Chronicles 16:35 (UKJV) And say all of you, Save us, O God of our salvation, and gather us together, and deliver us from the heathen, that we may give thanks to your holy name, and glory in your praise.

33At ang mga puno sa gubat ay aawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon. Dahil darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo.

34Magpasalamat kayo sa Panginoon dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.

35Manalangin kayo, “Iligtas nʼyo kami, O Diyos na aming Tagapagligtas; tipunin nʼyo po kami at palayain nʼyo po kami sa mga bansa, upang makapagpasalamat at makapagbigay kami ng papuri sa inyong kabanalan.”

36Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, magpakailanman. At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang Panginoon!

37Ipinagkatiwala ni David kay Asaf at sa kapwa nito Levita ang palaging paglilingkod sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, ayon sa kailangang gawin sa bawat araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.