1 Mga Cronica 16

Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, magpakailanman. At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang Panginoon!

1 Chronicles 16:36 (UKJV) Blessed be the LORD God of Israel for ever and ever. And all the people said, Amen, and praised the LORD.

34Magpasalamat kayo sa Panginoon dahil siyaʼy mabuti; ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.

35Manalangin kayo, “Iligtas nʼyo kami, O Diyos na aming Tagapagligtas; tipunin nʼyo po kami at palayain nʼyo po kami sa mga bansa, upang makapagpasalamat at makapagbigay kami ng papuri sa inyong kabanalan.”

36Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel, magpakailanman. At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang Panginoon!

37Ipinagkatiwala ni David kay Asaf at sa kapwa nito Levita ang palaging paglilingkod sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, ayon sa kailangang gawin sa bawat araw.

38Kabilang sa grupong ito ay si Obed-edom na anak ni Jedutun, si Hosa, at ang animnapuʼt walo pang Levitang mga tagapagbantay ng pintuan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.