1 Mga Cronica 18

Kinuha rin niya ang maraming tanso sa Tibha at Cun, mga bayang sakop ni Hadadezer. Kinalaunan, ang mga tansong ito ang ginamit ni Solomon sa pagpapagawa ng malaking sisidlan ng tubig na tansong kawang tinatawag na Dagat, mga haligi, at ng mga kagamitang tanso upang gamitin sa Templo.

1 Chronicles 18:8 (UKJV) Likewise from Tibhath, and from Chun, cities of Hadarezer, brought David very much brass, wherewith Solomon made the brazen sea, and the pillars, and the vessels of brass.

6Nagpatayo agad si David ng mga kampo sa Damasco, ang lugar ng mga Arameo. At naging sakop niya ang mga ito, at nagbayad sila ng buwis sa kanya. Pinagtagumpay ng Panginoon si David kahit saang labanan siya magpunta.

7Kinuha ni David ang mga gintong kalasag ng mga opisyal ni Hadadezer, at dinala ang mga ito sa Jerusalem.

8Kinuha rin niya ang maraming tanso sa Tibha at Cun, mga bayang sakop ni Hadadezer. Kinalaunan, ang mga tansong ito ang ginamit ni Solomon sa pagpapagawa ng malaking sisidlan ng tubig na tansong kawang tinatawag na Dagat, mga haligi, at ng mga kagamitang tanso upang gamitin sa Templo.

9Nabalitaan ni Haring Tou ng Hamat na tinalo ni David ang buong sundalo ni Haring Hadadezer ng Zoba,

10pinapunta niya ang anak niyang si Hadoram kay Haring David upang kumustahin at batiin sa pagkakapanalo niya kay Hadadezer. Noon pa man ay magkalaban na sina Tou at Hadadezer. Nagdala si Hadoram ng mga regalong gawa sa ginto, pilak, at tanso.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.