1 Mga Cronica 18

pinapunta niya ang anak niyang si Hadoram kay Haring David upang kumustahin at batiin sa pagkakapanalo niya kay Hadadezer. Noon pa man ay magkalaban na sina Tou at Hadadezer. Nagdala si Hadoram ng mga regalong gawa sa ginto, pilak, at tanso.

1 Chronicles 18:10 (UKJV) He sent Hadoram his son to king David, to enquire of his welfare, and to congratulate him, because he had fought against Hadarezer, and smitten him; (for Hadarezer had war with Tou;) and with him all manner of vessels of gold and silver and brass.

8Kinuha rin niya ang maraming tanso sa Tibha at Cun, mga bayang sakop ni Hadadezer. Kinalaunan, ang mga tansong ito ang ginamit ni Solomon sa pagpapagawa ng malaking sisidlan ng tubig na tansong kawang tinatawag na Dagat, mga haligi, at ng mga kagamitang tanso upang gamitin sa Templo.

9Nabalitaan ni Haring Tou ng Hamat na tinalo ni David ang buong sundalo ni Haring Hadadezer ng Zoba,

10pinapunta niya ang anak niyang si Hadoram kay Haring David upang kumustahin at batiin sa pagkakapanalo niya kay Hadadezer. Noon pa man ay magkalaban na sina Tou at Hadadezer. Nagdala si Hadoram ng mga regalong gawa sa ginto, pilak, at tanso.

11Inihandog ito ni Haring David sa Panginoon, gaya ng ginawa niya sa mga pilak at ginto na nasamsam niya mula sa mga sumusunod na bansa: ang Edom, Moab, Amon, Filistia at Amalek.

12Si Abisai na anak ni Zeruias ay nakapatay ng labingwalong libong Edomita sa Lambak ng Asin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.