7Kinuha ni David ang mga gintong kalasag ng mga opisyal ni Hadadezer, at dinala ang mga ito sa Jerusalem.
8Kinuha rin niya ang maraming tanso sa Tibha at Cun, mga bayang sakop ni Hadadezer. Kinalaunan, ang mga tansong ito ang ginamit ni Solomon sa pagpapagawa ng malaking sisidlan ng tubig na tansong kawang tinatawag na Dagat, mga haligi, at ng mga kagamitang tanso upang gamitin sa Templo.
9Nabalitaan ni Haring Tou ng Hamat na tinalo ni David ang buong sundalo ni Haring Hadadezer ng Zoba,
10pinapunta niya ang anak niyang si Hadoram kay Haring David upang kumustahin at batiin sa pagkakapanalo niya kay Hadadezer. Noon pa man ay magkalaban na sina Tou at Hadadezer. Nagdala si Hadoram ng mga regalong gawa sa ginto, pilak, at tanso.
11Inihandog ito ni Haring David sa Panginoon, gaya ng ginawa niya sa mga pilak at ginto na nasamsam niya mula sa mga sumusunod na bansa: ang Edom, Moab, Amon, Filistia at Amalek.