1 Mga Cronica 19

Nang makita ng mga Amonita na tumatakas ang mga Arameo, tumakas din sila palayo kay Abisai na kapatid ni Joab, at pumasok sa lungsod nila. Kaya umuwi sina Joab sa Jerusalem.

1 Chronicles 19:15 (UKJV) And when the children of Ammon saw that the Syrians were fled, they likewise fled before Abishai his brother, and entered into the city. Then Joab came to Jerusalem.

13Magpakatatag tayo at buong tapang na makipaglaban para sa ating mga mamamayan at mga lungsod ng ating Diyos. Gagawin ng Panginoon kung ano ang mabuti para sa kanya.”

14Sumalakay sina Joab at ang mga tauhan niya sa mga Arameo, at nagsitakas ang mga Arameo sa kanila.

15Nang makita ng mga Amonita na tumatakas ang mga Arameo, tumakas din sila palayo kay Abisai na kapatid ni Joab, at pumasok sa lungsod nila. Kaya umuwi sina Joab sa Jerusalem.

16Nang mapansin ng mga Arameo na natatalo sila ng mga Israelita, nagsugo sila ng mga mensahero sa mga kasama nilang mga Arameo na nasa kabilang Ilog Eufrates upang tulungan sila. Ang grupong ito ay pinamumunuan ni Sofac na kumander ng mga sundalo ni Hadadezer.

17Nang malaman ito ni David, tinipon niya ang lahat ng sundalo ng Israel sa pakikipaglaban. Pagkatapos, tumawid sila sa Ilog Jordan at pumuwesto na nakaharap sa mga Arameo, at naglaban sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.