1 Mga Cronica 19

Nang mapansin ng mga Arameo na natatalo sila ng mga Israelita, nagsugo sila ng mga mensahero sa mga kasama nilang mga Arameo na nasa kabilang Ilog Eufrates upang tulungan sila. Ang grupong ito ay pinamumunuan ni Sofac na kumander ng mga sundalo ni Hadadezer.

1 Chronicles 19:16 (UKJV) And when the Syrians saw that they were put to the worse before Israel, they sent messengers, and drew forth the Syrians that were beyond the river: and Shophach the captain of the host of Hadarezer went before them.

14Sumalakay sina Joab at ang mga tauhan niya sa mga Arameo, at nagsitakas ang mga Arameo sa kanila.

15Nang makita ng mga Amonita na tumatakas ang mga Arameo, tumakas din sila palayo kay Abisai na kapatid ni Joab, at pumasok sa lungsod nila. Kaya umuwi sina Joab sa Jerusalem.

16Nang mapansin ng mga Arameo na natatalo sila ng mga Israelita, nagsugo sila ng mga mensahero sa mga kasama nilang mga Arameo na nasa kabilang Ilog Eufrates upang tulungan sila. Ang grupong ito ay pinamumunuan ni Sofac na kumander ng mga sundalo ni Hadadezer.

17Nang malaman ito ni David, tinipon niya ang lahat ng sundalo ng Israel sa pakikipaglaban. Pagkatapos, tumawid sila sa Ilog Jordan at pumuwesto na nakaharap sa mga Arameo, at naglaban sila.

18Ngunit nagsitakas ang mga Arameo sa mga Israelita. Nakapatay sina David ng pitong libong mangangarwahe at apatnapung libong sundalo na lumalakad lang. Napatay din nila si Sofac, ang kumander ng mga sundalo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.