1Inatake ni Satanas ang Israel, kaya inudyukan niya si David na ipasensus ang mga Israelita.
2Kaya sinabi ni David kay Joab at sa mga kumander ng mga sundalo, “Lumakad kayo at isensus ang mga Israelita mula sa Beer-seba hanggang sa Dan. Pagkatapos, bumalik kayo rito upang malaman ko kung ilan silang lahat.”
3Ngunit sumagot si Joab, “Paramihin sana ng Panginoon ng isang daang ulit ang inyong mga mamamayan. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito? Hindi po ba mga sakop nʼyo naman sila? Bakit idadamay nʼyo ang Israel sa gagawin ninyong kasalanan?”