1 Mga Cronica 21

Kaya sinabi ni David kay Joab at sa mga kumander ng mga sundalo, “Lumakad kayo at isensus ang mga Israelita mula sa Beer-seba hanggang sa Dan. Pagkatapos, bumalik kayo rito upang malaman ko kung ilan silang lahat.”

1 Chronicles 21:2 (UKJV) And David said to Joab and to the rulers of the people, Go, number Israel from Beersheba even to Dan; and bring the number of them to me, that I may know it.

1Inatake ni Satanas ang Israel, kaya inudyukan niya si David na ipasensus ang mga Israelita.

2Kaya sinabi ni David kay Joab at sa mga kumander ng mga sundalo, “Lumakad kayo at isensus ang mga Israelita mula sa Beer-seba hanggang sa Dan. Pagkatapos, bumalik kayo rito upang malaman ko kung ilan silang lahat.”

3Ngunit sumagot si Joab, “Paramihin sana ng Panginoon ng isang daang ulit ang inyong mga mamamayan. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito? Hindi po ba mga sakop nʼyo naman sila? Bakit idadamay nʼyo ang Israel sa gagawin ninyong kasalanan?”

4Ngunit nanaig ang utos ng hari kay Joab, kaya umalis si Joab, nilibot ang buong Israel at bumalik agad sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.