2Kaya sinabi ni David kay Joab at sa mga kumander ng mga sundalo, “Lumakad kayo at isensus ang mga Israelita mula sa Beer-seba hanggang sa Dan. Pagkatapos, bumalik kayo rito upang malaman ko kung ilan silang lahat.”
3Ngunit sumagot si Joab, “Paramihin sana ng Panginoon ng isang daang ulit ang inyong mga mamamayan. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito? Hindi po ba mga sakop nʼyo naman sila? Bakit idadamay nʼyo ang Israel sa gagawin ninyong kasalanan?”
4Ngunit nanaig ang utos ng hari kay Joab, kaya umalis si Joab, nilibot ang buong Israel at bumalik agad sa Jerusalem.
5Sinabi niya kay David ang bilang ng mga lalaki na may kakayahang makipaglaban: 1,100,000 sa Israel at 470,000 sa Juda.
6Ngunit hindi isinama ni Joab sa pagbilang ang mga lahi nina Levi at Benjamin dahil masakit sa kalooban niya ang iniutos ng hari sa kanya.