1 Mga Cronica 21

Ngunit hindi isinama ni Joab sa pagbilang ang mga lahi nina Levi at Benjamin dahil masakit sa kalooban niya ang iniutos ng hari sa kanya.

1 Chronicles 21:6 (UKJV) But Levi and Benjamin counted he not among them: for the king's word was abominable to Joab.

4Ngunit nanaig ang utos ng hari kay Joab, kaya umalis si Joab, nilibot ang buong Israel at bumalik agad sa Jerusalem.

5Sinabi niya kay David ang bilang ng mga lalaki na may kakayahang makipaglaban: 1,100,000 sa Israel at 470,000 sa Juda.

6Ngunit hindi isinama ni Joab sa pagbilang ang mga lahi nina Levi at Benjamin dahil masakit sa kalooban niya ang iniutos ng hari sa kanya.

7Hindi rin natuwa ang Diyos sa utos na ito kaya pinarusahan niya ang Israel.

8Pagkatapos, sinabi ni David sa Diyos, “Napakalaking kasalanan po itong nagawa ko. Kaya nakikiusap ako sa inyo, Panginoon, na patawarin nʼyo ako na inyong lingkod sa aking kasalanan, dahil isa pong kamangmangan ang ginawa ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.