6Ngunit hindi isinama ni Joab sa pagbilang ang mga lahi nina Levi at Benjamin dahil masakit sa kalooban niya ang iniutos ng hari sa kanya.
7Hindi rin natuwa ang Diyos sa utos na ito kaya pinarusahan niya ang Israel.
8Pagkatapos, sinabi ni David sa Diyos, “Napakalaking kasalanan po itong nagawa ko. Kaya nakikiusap ako sa inyo, Panginoon, na patawarin nʼyo ako na inyong lingkod sa aking kasalanan, dahil isa pong kamangmangan ang ginawa ko.”
9Sinabi ng Panginoon kay Gad na propeta ni David,
10“Pumunta ka kay David at sabihin mo sa kanya, ‘Ito ang sinabi ng Panginoon: Magbibigay ako ng tatlong pagpipilian mo. Mamili ka ng isa kung alin ang gusto mong gawin ko saʼyo.’ ”