1 Mga Cronica 21

Sinabi ni David sa Diyos, “Ako po ang nag-utos na bilangin ang mga lalaki na may kakayahang makipaglaban. Ako po ang tanging nagkasala. Ang mga taong ito ay inosente na parang mga tupa. Wala silang nagawang kasalanan. O Panginoon na aking Diyos, ako na lang po at ang aking pamilya ang parusahan ninyo. Huwag nʼyo pong pahirapan ang inyong mga mamamayan sa salot na ito.”

1 Chronicles 21:17 (UKJV) And David said unto God, Is it not I that commanded the people to be numbered? even I it is that have sinned and done evil indeed; but as for these sheep, what have they done? let yours hand, I pray you, O LORD my God, be on me, and on my father's house; but not on your people, that they should be plagued.

15At habang winawasak ng anghel ang Jerusalem, naawa ang Panginoon sa mga tao. Kaya sinabi niya sa anghel na lumilipol sa mga tao, “Tama na! Huwag mo na silang parusahan.” Nang oras na iyon, nakatayo ang anghel ng Panginoon sa may giikan ni Ornan na Jebuseo.

16Tumingala si David at nakita niya ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa himpapawid, sa kalagitnaan ng langit at lupa. May hawak itong espada na nakaturo sa Jerusalem. Pagkatapos, nagpatirapa si David at ang mga tagapamahala ng Israel na nakasuot ng sako bilang pagpapakita ng kanilang pagdadalamhati.

17Sinabi ni David sa Diyos, “Ako po ang nag-utos na bilangin ang mga lalaki na may kakayahang makipaglaban. Ako po ang tanging nagkasala. Ang mga taong ito ay inosente na parang mga tupa. Wala silang nagawang kasalanan. O Panginoon na aking Diyos, ako na lang po at ang aking pamilya ang parusahan ninyo. Huwag nʼyo pong pahirapan ang inyong mga mamamayan sa salot na ito.”

18Pagkatapos, inutusan ng anghel ng Panginoon si Gad na sabihin kay David na pumunta siya sa giikan ni Ornan na Jebuseo, at gumawa roon ng altar para sa Panginoon.

19Kaya pumunta si David ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Gad.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.