1 Mga Cronica 21

At habang winawasak ng anghel ang Jerusalem, naawa ang Panginoon sa mga tao. Kaya sinabi niya sa anghel na lumilipol sa mga tao, “Tama na! Huwag mo na silang parusahan.” Nang oras na iyon, nakatayo ang anghel ng Panginoon sa may giikan ni Ornan na Jebuseo.

1 Chronicles 21:15 (UKJV) And God sent an angel unto Jerusalem to destroy it: and as he was destroying, the LORD beheld, and he repented him of the evil, and said to the angel that destroyed, It is enough, stay now yours hand. And the angel of the LORD stood by the threshing floor of Ornan the Jebusite.

13Sumagot si David kay Gad, “Nahihirapan akong pumili. Mabuti pang ang Panginoon na lang ang magparusa sa akin kaysa sa mga kamay ng tao, dahil napakamaawain ng Panginoon.”

14Kaya nagpadala ang Panginoon ng salot sa Israel, at pitumpung libong Israelita ang namatay.

15At habang winawasak ng anghel ang Jerusalem, naawa ang Panginoon sa mga tao. Kaya sinabi niya sa anghel na lumilipol sa mga tao, “Tama na! Huwag mo na silang parusahan.” Nang oras na iyon, nakatayo ang anghel ng Panginoon sa may giikan ni Ornan na Jebuseo.

16Tumingala si David at nakita niya ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa himpapawid, sa kalagitnaan ng langit at lupa. May hawak itong espada na nakaturo sa Jerusalem. Pagkatapos, nagpatirapa si David at ang mga tagapamahala ng Israel na nakasuot ng sako bilang pagpapakita ng kanilang pagdadalamhati.

17Sinabi ni David sa Diyos, “Ako po ang nag-utos na bilangin ang mga lalaki na may kakayahang makipaglaban. Ako po ang tanging nagkasala. Ang mga taong ito ay inosente na parang mga tupa. Wala silang nagawang kasalanan. O Panginoon na aking Diyos, ako na lang po at ang aking pamilya ang parusahan ninyo. Huwag nʼyo pong pahirapan ang inyong mga mamamayan sa salot na ito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.