1 Mga Cronica 21

Sinabi ni Ornan kay David, “Sige po Mahal na Hari, kunin ninyo. Gawin nʼyo kung ano ang gusto ninyo. Bibigyan ko pa po kayo ng baka upang ialay bilang handog na sinusunog, mga tabla na ginagamit sa paggiik upang ipanggatong at trigo upang ihandog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Ibibigay ko po itong lahat sa inyo.”

1 Chronicles 21:23 (UKJV) And Ornan said unto David, Take it to you, and let my lord the king do that which is good in his eyes: lo, I give you the oxen also for burnt offerings, and the threshing instruments for wood, and the wheat for the food offering; I give it all.

21Pagkatapos, nakita ni Ornan na paparating si David. Kaya umalis siya sa giikan at nagpatirapa sa harapan ni David.

22Sinabi ni David sa kanya, “Ipagbili mo sa akin ang giikan mo upang makapagpatayo ako ng altar para sa Panginoon, upang huminto na ang salot sa mga tao. Babayaran kita kung magkano ang halaga nito.”

23Sinabi ni Ornan kay David, “Sige po Mahal na Hari, kunin ninyo. Gawin nʼyo kung ano ang gusto ninyo. Bibigyan ko pa po kayo ng baka upang ialay bilang handog na sinusunog, mga tabla na ginagamit sa paggiik upang ipanggatong at trigo upang ihandog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Ibibigay ko po itong lahat sa inyo.”

24Ngunit sumagot si Haring David kay Ornan, “Hindi ko ito tatanggapin nang libre. Babayaran kita kung magkano ang halaga nito. Hindi ko magagawang kunin ito sa iyo at ihandog sa Panginoon. Hindi ako mag-aalay ng handog na sinusunog na walang halaga sa akin.”

25Kaya binayaran ni David si Ornan ng animnaraang pirasong ginto para sa lupaing iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.