1 Mga Cronica 21

Sinabi ni David sa kanya, “Ipagbili mo sa akin ang giikan mo upang makapagpatayo ako ng altar para sa Panginoon, upang huminto na ang salot sa mga tao. Babayaran kita kung magkano ang halaga nito.”

1 Chronicles 21:22 (UKJV) Then David said to Ornan, Grant me the place of this threshing floor, that I may build an altar therein unto the LORD: you shall grant it me for the full price: that the plague may be stayed from the people.

20Nang panahong iyon, gumigiik ng trigo si Ornan at ang apat niyang anak na lalaki. Nang makita nila ang anghel ng Panginoon, tumakbo ang apat na anak ni Ornan at nagtago.

21Pagkatapos, nakita ni Ornan na paparating si David. Kaya umalis siya sa giikan at nagpatirapa sa harapan ni David.

22Sinabi ni David sa kanya, “Ipagbili mo sa akin ang giikan mo upang makapagpatayo ako ng altar para sa Panginoon, upang huminto na ang salot sa mga tao. Babayaran kita kung magkano ang halaga nito.”

23Sinabi ni Ornan kay David, “Sige po Mahal na Hari, kunin ninyo. Gawin nʼyo kung ano ang gusto ninyo. Bibigyan ko pa po kayo ng baka upang ialay bilang handog na sinusunog, mga tabla na ginagamit sa paggiik upang ipanggatong at trigo upang ihandog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Ibibigay ko po itong lahat sa inyo.”

24Ngunit sumagot si Haring David kay Ornan, “Hindi ko ito tatanggapin nang libre. Babayaran kita kung magkano ang halaga nito. Hindi ko magagawang kunin ito sa iyo at ihandog sa Panginoon. Hindi ako mag-aalay ng handog na sinusunog na walang halaga sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.