1 Mga Cronica 21

Nang panahong iyon, gumigiik ng trigo si Ornan at ang apat niyang anak na lalaki. Nang makita nila ang anghel ng Panginoon, tumakbo ang apat na anak ni Ornan at nagtago.

1 Chronicles 21:20 (UKJV) And Ornan turned back, and saw the angel; and his four sons with him hid themselves. Now Ornan was threshing wheat.

18Pagkatapos, inutusan ng anghel ng Panginoon si Gad na sabihin kay David na pumunta siya sa giikan ni Ornan na Jebuseo, at gumawa roon ng altar para sa Panginoon.

19Kaya pumunta si David ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Gad.

20Nang panahong iyon, gumigiik ng trigo si Ornan at ang apat niyang anak na lalaki. Nang makita nila ang anghel ng Panginoon, tumakbo ang apat na anak ni Ornan at nagtago.

21Pagkatapos, nakita ni Ornan na paparating si David. Kaya umalis siya sa giikan at nagpatirapa sa harapan ni David.

22Sinabi ni David sa kanya, “Ipagbili mo sa akin ang giikan mo upang makapagpatayo ako ng altar para sa Panginoon, upang huminto na ang salot sa mga tao. Babayaran kita kung magkano ang halaga nito.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.