25Kaya binayaran ni David si Ornan ng animnaraang pirasong ginto para sa lupaing iyon.
26Pagkatapos, gumawa siya roon ng altar para sa Panginoon at nag-alay ng mga handog na sinusunog at ng mga handog pangkapayapaan. At sinagot siya ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapadala ng apoy mula sa langit upang sunugin ang mga handog sa altar.
27Pagkatapos, sinabi ng Panginoon sa anghel na ibalik na ang espada niya sa lalagyan nito.
28Nang makita ni David na sinagot ng Panginoon ang kanyang dalangin, nag-alay pa siya ng handog doon sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
29Nang panahong iyon, ang Tolda ng Panginoon at ang altar para sa mga handog na sinusunog na ipinagawa ni Moises sa ilang ay nasa mataas na lugar sa Gibeon.