1 Mga Cronica 23

Ang tungkulin ng mga Levita ay ang pagtulong sa mga pari, na mga angkan ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon. Sila ang mangangalaga ng bakuran ng templo at ng mga kuwarto sa gilid nito. Sila rin ang tutulong sa mga seremonya ng paglilinis at ng iba pang gawain sa bahay ng Diyos.

1 Chronicles 23:28 (UKJV) Because their office was to wait on the sons of Aaron for the service of the house of the LORD, in the courts, and in the chambers, and in the purifying of all holy things, and the work of the service of the house of God;

26Hindi na kailangang dalhin ng mga Levita ang Tolda at ang mga kagamitan nito.”

27Ayon sa huling utos ni David, ang lahat ng Levita na nasa edad dalawampu pataas ay itinala upang maglingkod.

28Ang tungkulin ng mga Levita ay ang pagtulong sa mga pari, na mga angkan ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon. Sila ang mangangalaga ng bakuran ng templo at ng mga kuwarto sa gilid nito. Sila rin ang tutulong sa mga seremonya ng paglilinis at ng iba pang gawain sa bahay ng Diyos.

29Sila rin ang pinagkatiwalaan sa banal na tinapay na inilalagay sa mesa, sa piling harina para sa mga handog ng pagpaparangal sa Panginoon, sa tinapay na walang pampaalsa, at sa iba pang niluluto at minamasa. Sila rin ang pinagkatiwalaan sa pagtitimbang at sa pagtatakal ng lahat.

30Tungkulin din nila ang tumayo tuwing umaga at gabi upang magpasalamat at magpuri sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.