1 Mga Cronica 23

Sila rin ang pinagkatiwalaan sa banal na tinapay na inilalagay sa mesa, sa piling harina para sa mga handog ng pagpaparangal sa Panginoon, sa tinapay na walang pampaalsa, at sa iba pang niluluto at minamasa. Sila rin ang pinagkatiwalaan sa pagtitimbang at sa pagtatakal ng lahat.

1 Chronicles 23:29 (UKJV) Both for the showbread, and for the fine flour for food offering, and for the unleavened cakes, and for that which is baked in the pan, and for that which is fried, and for all manner of measure and size;

27Ayon sa huling utos ni David, ang lahat ng Levita na nasa edad dalawampu pataas ay itinala upang maglingkod.

28Ang tungkulin ng mga Levita ay ang pagtulong sa mga pari, na mga angkan ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon. Sila ang mangangalaga ng bakuran ng templo at ng mga kuwarto sa gilid nito. Sila rin ang tutulong sa mga seremonya ng paglilinis at ng iba pang gawain sa bahay ng Diyos.

29Sila rin ang pinagkatiwalaan sa banal na tinapay na inilalagay sa mesa, sa piling harina para sa mga handog ng pagpaparangal sa Panginoon, sa tinapay na walang pampaalsa, at sa iba pang niluluto at minamasa. Sila rin ang pinagkatiwalaan sa pagtitimbang at sa pagtatakal ng lahat.

30Tungkulin din nila ang tumayo tuwing umaga at gabi upang magpasalamat at magpuri sa Panginoon.

31Tutulong din sila sa pag-aalay ng mga handog na sinusunog sa Panginoon tuwing Araw ng Pamamahinga, tuwing Pista ng Bagong Buwan, at sa iba pang mga pista. May mga sinusunod silang tuntunin kung ilang mga Levita ang gagawa ng gawaing ito at kung paano nila ito gagawin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.