1Nang matandang-matanda na si David, ginawa niyang hari ng Israel ang anak niyang si Solomon.
2Ipinatipon niya ang lahat ng pinuno ng Israel, pati ang mga pari at mga Levita.
3Binilang ang mga Levita na nasa edad tatlumpu pataas, at ang bilang nilaʼy tatlumpuʼt walong libo.
4Sinabi ni David, “Ang dalawampuʼt apat na libo sa kanila ay mamamahala ng mga gawain sa bahay ng Panginoon, ang anim na libo ay maglilingkod bilang mga opisyal at mga hukom,
5ang apat na libo ay maglilingkod bilang mga tagapagbantay ng mga pintuan, at ang apat na libo ay magpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga instrumentong pangmusika na ipinagawa ko para sa gawaing ito.”