1 Mga Cronica 23

Sinabi ni David, “Ang dalawampuʼt apat na libo sa kanila ay mamamahala ng mga gawain sa bahay ng Panginoon, ang anim na libo ay maglilingkod bilang mga opisyal at mga hukom,

1 Chronicles 23:4 (UKJV) Of which, twenty and four thousand were to set forward the work of the house of the LORD; and six thousand were officers and judges:

2Ipinatipon niya ang lahat ng pinuno ng Israel, pati ang mga pari at mga Levita.

3Binilang ang mga Levita na nasa edad tatlumpu pataas, at ang bilang nilaʼy tatlumpuʼt walong libo.

4Sinabi ni David, “Ang dalawampuʼt apat na libo sa kanila ay mamamahala ng mga gawain sa bahay ng Panginoon, ang anim na libo ay maglilingkod bilang mga opisyal at mga hukom,

5ang apat na libo ay maglilingkod bilang mga tagapagbantay ng mga pintuan, at ang apat na libo ay magpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga instrumentong pangmusika na ipinagawa ko para sa gawaing ito.”

6Hinati ni David sa tatlong grupo ang mga Levita, ayon sa mga pamilya ng mga anak ni Levi na sina Gerson, Kohat at Merari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.